Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 1



Kabanata 1

Lumabas si Madeline Crawford ng ospital, hawak niya ang test results habang nanginginig ang kamay.

May mga luha sa kanyang mata, hindi mawari kung masaya ba siya o malungkot.

“Miss Crawford, buntis po kayo.” Muli na namang pumantig sa isip niya ang mga salitang binitawan ng

doktor.

Tatlong buwan ang nakararaan, pinakasalan niya si Jeremy Whitman; siya lang naman ang nag-iisang

young master ng isang prestihiyosong pamilya na kinaiinggitan ng lahat sa buong Glendale.

Sa araw ng kasal, bawat babae sa lugar nila ay napuno ng inggit sa kanya. Inisip rin niya no’n na siya

ang pinakamasaya at pinakamaswerteng babae sa buong mundo.

Simula nang makilala niya si Jeremy noong sampung taong gulang pa lang siya, may isang binhi na

ang natanim sa kanyang puso.

Upang umabot sa lebel ni Jeremy at upang makuha ang atensyon nito, ginawa niya ang lahat para ma-

i-ayos ang sarili sa nakalipas na labindalawang taon.

Lagi niyang dama na tila ba galing sila sa magkaibang mundo. Para siyang isang nagwawalang bata

na lumaki sa bundok. Paano naman siya magkakaroon ng isang relasyon sa lalaking gaya niya?

Subalit, hindi pala sigurado na pinagpala siya ng Diyos, o kung niloloko ba siya ng tadhana. Tatlong

buwan ang nakararaan, pumunta siya sa birthday party ng isang kaibigan. Sumunod na umaga, nang

magising siya, nakita niyang nasa tabi niya si Jeremy. noveldrama

Talagang nakuha ng pulang mantsa ang atensyon niya. Tila ba nilarawan na nito ang nangyari sa

kanila ni Jeremy kagabi.

Bago pa man niya maunawaan ang sitwasyon, may isang katok ang narinig niya sa pinto na siyang

sinundan ng maraming reporters. Hindi sila makapaghintay na isulat ang balitang may kasamang

misteryosong babae si Jeremy.

Ang Whitmans ang pinakakilalang pamilya sa Glendale. Marangal sila at may pampanulatang

reputasyon. Tradisyunal ang kanilang Old Master. Kaya matapos malaman ang nangyari sa kanila,

agad nilang inanunsyo ang kasal ni Jeremy at Madeline.

Tila ba isa itong panaginip kay Madeline. Subalit, hindi ito isang magandang panaginip.

Hindi siya mahal ni Jeremy. Sa halip, galit na galit ito sa kanya. Ayaw nito sa kanya. Ayaw nito ang

presensya niya, lalo na’t siya ang dahilan para mabigo nito ang kanyang mahal, si Meredith Crawford.

Sinasabi ring si Meredith Crawford ay kapatid ni Madeline.

Ganoon pa man, kinuha ni Madeline ang lahat ng lakas ng loob para tawagan si Jeremy.

Hindi na siya nagulat pa, ibinaba nito ang tawag. Ganoon din, nagsend na lamang siya ng isang text

para sabihing may mahalagang bagay siyang ipapaalam at umaasa siyang makakauwi ito sa gabi.

Tatlong buwan na ang kasal nila, subalit hindi pa ito umuuwi. Laging mag-isa si Madeline sa kwarto, at

alam din naman niya kung saan ito lumalagi sa gabi.

Hindi nito sinagot ang lahat ng tawag niya, at kahit na rin ang mga texts. Kaya, nanlamig na lamang

ang puso ni Madeline; alam niyang hindi makakauwi si Jeremy ngayon.

Dahil diyan, naligo na lamang siya at magpapahinga na sana nang biglang magbukas nang malakas

ang pinto.

Inangat niya ang kanyang ulo at naalarma nang makita ang gwapo nitong mukha. Nagsisimula na

namang tumibok nang mabilis ang kanyang puso.

“Jeremy, nandito ka na pala,” maingat nitong tinawag ang kanyang pangalan. Mayroong maliit na ngiti

sa malinis niyang mukha.

Ganoon pa man, nang lapitan niya ito, hinawakan siya nang mahigpit ng lalaki at malakas na itinumba

sa kama.

Nag-iwan ng bakas ang mga daliri nito sa kanyang mukha ni Madeline nang mapuwersa nitong

hawakan ang bibig niya. Puno ng kalasingan at galit ang mga mata nito.

“Madeline, gustong gusto mo ba talaga ako? Sa puntong gagapangin mo pa ako sa kama at nanloko

ka pa, huh?” Maalindog man ang boses nito, may bakas pa rin ng pagkutya at galit.

Namutla si Madeline nang tignan ang lalaking minahal niya sa loob ng ilang taon at nanakit ang puso

niya.

“Jeremy, hindi mo ko nauunawaan…”

“Hindi nauunawaan?” Tiningnan siya nito nang may pagkamuhi at saka tumawa nang malalim.

“Madeline, bakit ka pa ba nagpapanggap?”

Matapos niya itong sabihin…


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.