Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 43



Kabanata 43

Sa sumunod na araw, bumili si Madeline ng prutas at mga paboritong merienda ng kanyang lolo bago

pumunta sa ospital.

Kaagad siyang dumiretso sa kwarto ng kanyang lolo pero natuklasan niya na wala na roon ang

kanyang lolo.

Nagpunta si Madeline sa reception para magtanong tungkol dito. Nang makita ng nars na kamag-anak

pala siya ni Len Samuels, tinignan siya ng kakaiba ng nars. Hindi rin maganda ang kanyang tono. "So,

ikaw ang apo ni Mr. Samuels? Ganito ba dapat ang behavior mo bilang kanyang apo? Tatlong taon na

siyang patay. Bakit nandito ka pa? Pumunta ka sa funeral parlor. Nandon ang mga abo niya."

Klank! Nalaglag sa lapag ang mga prutas sa kamay ni Madeline.

Nanlaki ang kanyang mga blankong mata at nanatiling nakatulala. Nagsimulang kumalat ang sakit na

kanyang nararamdaman sa buo niyang katawan.

Akala niya ay patay na ang kanyang puso. Akala niya ay manhid na ito para makaramdam pa ng kahit

na anong sakit. Subalit, nahihirapan siyang huminga dahil sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman.

Patay na ang kanyang lolo.

Tatlong taon na siyang patay!

Hindi man lang niya ito nakita sa huling pagkakataon!

Nagpunta si Madeline sa funeral parlor at kinuha ang abo ng kanyang lolo at ang kanyang mga gamit.

Isa itong gabi sa simula ng taglamig at kasalukuyang umaambon.

Hawak ni Madeline ang abo ng kanyang lolo at lumuhod sa gitna ng ulan. Hindi mapigilang tumulo ang

luha sa kanyang mga pisngi na nagpalabo sa kanyang paningin.

Sumakit ang puso niya nang dahil sa matinding lungkot at pagsisi. Wala na siyang magagawa para

makabawi pa rito.

Tumakbo si Ava papunta sa kanya at niyakap siya, umiiyak siya habang inaalo ang kapwa niya babae.

"'Wag kang umiyak, Maddie. It's all in the past. Tapos na ang lahat."

Sa tulong ni Ava, nakahanap si Madeline ng lupang paglilibingan para sa kanyang lolo.

Pagkatapos niyang magbigay galang sa kanya, bumalik siya sa ospital para magtanong tungkol sa

pagkamatay ng kanyang lolo. Walang habag na nagsalita ang nars, "Namatay siya sa katandaan."

Namatay sa katandaan?

Pakiramdam ni Madeline ay mayroong kahina-hinala rito. Maganda ang kalagayan ng kanyang lolo

noong huling beses siyang bumisita sa kanya bago siya makulong. Bakit bigla-bigla siyang

mamamatay?

Kahit na naghihinala siya, hindi siya pwedeng maghinala nang walang ebidensya.

Nahanap niya ang isang hugis paruparong gintong kwintas sa gamit ng kanyang lolo. Nakaukit rito ang

tunay niyang pangalan na 'Eveline'.

Pakiramdam ni Madeline ay ito ang regalo para sa kanya ng kanyang lolo. Nakaramdam siya ng sakit

sa kanyang puso at sinuot ang kwintas sa kanyang leeg habang may luha sa kanyang mga mata.

Tatlong taon siyang nakakulong at hindi siya makahabol sa pagbabago ng panahon sa labas ng

kulungan.

Gusto niyang makahanap kaagad ng trabaho, pero hindi pa rin niya nakalimutan ang tungkol sa

kanyang anak na dinakip pagkatapos siyang pilitin na manganak.

Dinala ni Madeline ang kanyang resume para sa isang interview sa isang bagong kumpanya. Nang

makarating siya sa front door, nakita niya si Meredith na lumabas mula sa isang mamahaling kotse.

Maaalala niya ang mukha ni Meredith kahit na maabo pa siya.

Humigpit ang kamao ni Madeline. Nang magsimula siyang makaramdam ng umaakyat na galit sa

kanyang dibdib, narinig niya ang isang empleyado na nagsabing, "Naiingit ako kay Meredith. Hindi lang

siya si Miss Montgomery mula sa four major rich families ngayon, papakasalan niya rin ang aking idol,

si Jeremy Whitman. Siguro niligtas niya ang universe sa past life niya."

Nang marinig niya ito ay nanlumo ang kanyang puso.

Pagkatapos niyang magtanong tungkol dito, alam niya na hindi tunay na anak ng mga Crawford si

Meredith. Siya ang anak ng Montgomery na maling napulot ng iba 28 taon na ang nakakaraan, ibig

sabihin ay siya ang tunay na anak ni Eloise.

Tatlong taon ang nakaraan, nagbago si Meredith mula sa isang babae na nagmula sa isang

pangkaraniwang pamilya at naging Miss Montgomery ng four major rich families ng Glendale. At saka,

nanganak pa siya ng isang premature na batang lalaki para kay Jeremy dalawang taon na ang

nakakalipas. Tinuring siya bilang isang hiyas ng mga Montgomery at ng mga Whitman.

Nagulat si Madeline sa kasal ni Meredith at Jeremy. Akala niya ay papakasalan na niya ang kanyang

pinakamamahal sa sandaling napunta siya sa kulungan. NôvelDrama.Org: owner of this content.

Subalit, ang totoo pala ay hindi pa pala sila kasal.

Maganda ang naging daloy ng interview at natanggap sa trabaho si Madeline. Nang maisip niya na si

Meredith ang tunay na anak ni Eloise, sumama ang pakiramdam ni Madeline.

Sinubukan niyang kumuha pa ng impormasyon tungkol dito. Dahil dito, tinignan niya ang internet at

nakita niya si Meredith na nag-post ng larawan ng kanyang anak sa kanyang Twitter account. Isa itong

lalaki at mukhang nasa dalawang taon pa lang. Ang mga mata at mukha ng bata ay halos kapareho ng

kay Jeremy.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.