Chapter 19
Chapter 19
AGAD na napatayo si Jake nang matanaw ang isang partikular na babaeng kapapasok pa lang ng
restaurant, ang isang babaeng tinangay ang lahat-lahat sa kanya nang umalis na lang bigla dalawang
taon na ang nakararaan nang wala man lang paalam, ang isang babaeng kung saan-saan niya na
pinahanap pero hindi niya natagpuan, ang isang babaeng pakiramdam niya ay ibinabalik na uli ang
lahat ng nawala sa kanya sa oras na nasilayan niya na ang mukha nito.
Ang mukhang sa araw at gabi sa nakalipas na mga taon ay ipinagdasal niyang makita. Pakiramdam
niya ay huminto ang lahat ng bagay sa mundo at ang nananatili na lang na gumagalaw ay ang
babaeng papalapit sa kanya ngayon. Everything else went blurry. All that was clear to him was… her.
She was glowing. Dati niya nang alam na maganda si Lea pero mas maganda ito ngayon. Ang mga
mata nito ay nangingislap. At nang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito ay sandaling nahigit ni Jake ang
hininga. Kasabay niyon ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Just the mere sight of that beautiful
smile and he was back to the land of the living. Hindi niya alam kung anong gagawin kung hindi pa ito
biglaan na lang tumawag sa kanya noong nagdaang araw para makipagkita. At hindi na siya nakatulog
pa simula niyon. Kung pwede lang ay hatakin niya na ang oras o di kaya ay sunduin na mismo ang
kanyang mag-ina ay gagawin niya.
But Lea insisted that they just meet at the restaurant inside his hotel. Isasama raw nito ang kanilang
anak pero mauuna na muna itong haharap sa kanya. Pagkatapos niyon ay malaya niya na raw
makakausap si Janna. And he had to abide to her conditions even if what he really wanted was to see
them as fast as he could. Nang huminto sa harap niya si Lea ay nag-init ang mga mata niya.
He knew that very instant that the Lea he once knew was gone. The one in front of him was a changed
woman. Sandaling kumuyom ang mga kamay niya. He wanted to hold her. Take her into his arms. And
kiss her. Para siyang masisiraan sa matinding kagustuhang iyon na bumabalot sa kanya. Pero ngayon
na lang sila uli nagkita. Nag-aalala siyang baka masira niya ang magandang ngiti sa mga labi nito sa
oras na ikulong niya ito sa mga bisig niyang parating naghihintay sa pagbabalik nito.
God, Lea. I miss you so much.
Pero sa halip ay ibang mga salita ang lumabas sa bibig ni Jake. “Kamusta ka na?” Halos sabay pa
nilang naitanong. Kahit paano ay napangiti si Jake nang marinig ang pagtawa ng dalaga. He had
yearned to hear that laughter again.
“Remember the old times?” Nakangiti pa ring tanong ni Lea. “’Yong kung iisa lang naman ang tanong
natin para sa isa’t isa, sabay nating sinasagot? ‘Wanna do it again now? Pagbilang ko ng tatlo, sabay
tayong sasagot.”
Napatango si Jake. Sa isip niya ay nagbibilang rin siya habang ina-analyze kung ano ang eksaktong
isasagot. Dahil sa nakalipas na mga taon, ang tanong na iyon ang naging isa sa pinamahirap na
sagutin para sa kanya. One… two, three.
“I’m married.”
“I love you.”
Natigilan sila pareho.
“SO, how did it go?”
“Good news!” Masiglang tumawa si Jake kasabay ng pagtanggap sa wine glass na inabot sa kanya ni
Near. Gaya ng dati ay kumpleto sila nang mga sandaling iyon sa Rack’s Bistro. Katatapos lang
tumugtog roon ni Ross. Agad itong lumapit sa mesa nila at nakisaya. “Tinanggap ako ni Lea uli. She
was happy and so was our daughter. In two months’ time, we’ll fix everything and get married.”
“I knew it!” Malakas na tinapik siya ni Trevor sa balikat. “Congrats, man! This calls for a celebration!”
Sinenyasan nito ang waiter na mabilis namang lumapit sa kanila at nagpadagdag pa ng panibagong
makakain at maiinom sa mesa nila. Kanya-kanya na ring bati at tapik sa kanya ang iba pang mga
kaibigan.
“But you haven’t heard the bad news yet.” Mayamaya ay mahina nang sinabi ni Jake.
“Oh? May bad news pala?” Ani Milton na nagsalubong ang mga kilay.
“What is it?” Tanong rin ni Ross.
“Bad news: tumunog ang alarm clock. I woke up and found out that everything’s just a dream.”
Natahimik ang lahat habang si Trevor naman ay nagmamadaling muling sinenyasan ang waiter at
pina-cancel ang mga order nito. Ang mga naunang pagtapik ng mga ito sa kanya ay nauwi sa
malalakas na pagkutos sa kanya. And he needed that. Desperately. Kailangan niya ng may
mangangalampag sa ulo niya para matauhan na siya. Pagkagaling sa hotel ay sa Rack’s Bistro na
dumeretso si Jake. Kailangan niya ng may makakausap. Kundi ay baka matuluyan na siya.
“Ano talagang nangyari, pare?” Hindi nagtagal ay seryoso nang tanong ni Klay.
Inubos ni Jake ang laman ng wine glass. Nang hindi makuntento ay kinuha niya na ang mismong bote
at doon na uminom. Nang maubos iyon ay inagaw niya ang boteng hawak ni Ross at iyon naman ang
sumunod na ininom. Sumandal siya sa upuan at kusa na ring huminto pagkaraan ng ilang minuto nang
maglaro sa isip niya ang mukha ni Lea. Namasa ang mga mata niya.
“N-nagkamali lang ako ng rinig, ‘di ba?” Naalala ni Jake na parang tangang sinabi niya kanina sa
restaurant.
Pinakatitigan siya ni Lea. Mayamaya ay napailing ito. “Ako yata ang nagkamali ng rinig.” Bahagyang
tinapik pa nito ang mga tainga nito bago ito muling humarap sa kanya. Bumalik ang magandang ngiti
sa mga labi nito. “Teka, pwede bang maupo na muna tayo?”
“S-sure. I’m sorry… I-I forgot my manners.” Tangkang lalapit sana si Jake kay Lea para ipaghila ito ng
upuan gaya ng nakagawian nila noon pero umiling ito. Ito na ang kusang humila ng upuan nito. Ilang
segundong nakatayo pa rin siya roon habang nakatitig lang kay Lea.
Nakasuot ito ng dilaw na bestida na hanggang kalahati ng mga tuhod nito ang haba. Right. Yellow was NôvelDrama.Org owns © this.
her favorite color. He knew that now. Mas bumagay rin dito ang highlights nito. Para itong modelo
ngayon. Hindi nakaligtas sa kanya ang humahangang mga mata ng mga kalalakihan sa restaurant
nang dumaan ito. Sabagay, dati pa naman ay marami na talagang humahanga rito. Nang para bang
nagtatakang tumingala ito sa kanya ay saka lang niya nagawang maupo na rin sa harap nito.
At dahil nakaibabaw sa mesa ang mga kamay ni Lea ay agad niyang napansin ang singsing nito. Para
siyang sinaksak ng kung ano sa nakita. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya na pwedeng ipagpilitan
pang nagkamali siya ng rinig. Dahil iyon ang nagsusumigaw na ebidensya. Natulala siya.
“I know that you have so many questions to ask. I’m sorry, Jake.” Mapagkumbabang panimula ni Lea.
“I’m sorry that I took Janna away without telling you. I knew that was very unfair of me. Pero nang mga
panahong ‘yon, kinailangan ko lang talagang lumayo na muna. Sa palagay ko ay gano’n rin si Janna.
Pare-pareho na tayong nasasaktan sa kapipilit nating magsama-samang tatlo.” Matipid na ngumiti ito.
“At sa tingin ko naman, nakabuti rin ang naging paghihiwalay natin para sa ating lahat.
“Having no communication at all prevented us from more pain. And it gave us time to think and to
reflect on things. Sana maunawaan mo kung bakit ko nagawa ‘yon. At sana rin ay mapatawad mo ako.
I hope that one day; we can go back to the old times. We can go back to being friends again for our
daughter’s sake.”
Ilang sandaling hindi nakapagsalita si Jake. Nang makabawi ay pinilit niya ang sariling ngumiti. “I have
nothing to forgive, Lea.” Mapait niyang sinabi. “Sa dami ng mga kagaguhan ko, ng mga naging
kakulangan ko sa inyo ng anak ko, sino ba ako para magmatigas pa? Ako ang nagkamali. Ako ang
dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari.” Nagsikip ang dibdib niya. “What happened for the past
two years was never easy but of course, I understand.”
Para siyang binuhusan ng asido nang hindi nagtagal ay matanaw ang anak na papalapit sa mesa nila
ni Lea… kasama ng ibang lalaki. Ni Timothy. At para bang hindi pa sapat na kaparusahan ang
nangyayari dahil nang huminto ang dalawa sa mesa nila ay bumakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni
Janna na bumitaw sa kamay ni Timothy. Tumango na muna ang huli at ngumiti sa bata bago parang
napipilitan na dahan-dahang lumapit sa kanya ang anak. Binati siya ni Timothy pero ni hindi niya
nagawang sumagot. He was too damn crushed to utter a word.
Nagpaalam na muna sina Timothy at Lea para mabigyang oras daw silang mag-ama. Magkaakbay na
umalis ang dalawa. They looked so good and so happy together. And while watching them, Jake
couldn’t help but wept. Hindi niya na inalintana kung may mga tao man sa paligid. Itinukod niya ang
isang tuhod sa sahig bago inabot ang anak at niyakap.
Lumuha siya para sa dami ng oras at pagkakataon na mayroon siya dati pero sinayang niya, para sa
atensiyon na kanyang-kanya lang dati pero hindi niya nabigyang halaga. He wept for a family that will
never be his again. He wept for the perfect woman he could have had. He wept for the love that he
didn’t deserve but was given to him nonetheless. But that love was now transferred to the man who
now owns the ones he used to have.
He wept for the countless if only’s and could have been’s that were suddenly playing in his head. He
wept for a daughter that couldn’t even move her arms to embrace him back.
“I miss you, princess. I’ve missed you every day for the past two years.” I’ve missed you and your
mother so much. “Kumusta ka na?” Mabilis na pinunasan ni Jake ang mga luha bago siya sandaling
humiwalay sa anak. Inalalayan niya itong maupo sa binakanteng upuan ng ina nito bago niya ito
pinagmasdan. “You’ve grown taller and prettier.”
Matipid na ngumiti si Janna. “Thank you.”
Every second, he felt like somebody was punching his chest. At palakas nang palakas ang bawat
suntok na iyon. Aabutin niya na sana ang mga kamay ng anak pero bigla ay nawalan siya ng tiwala sa
sariling gawin iyon nang mapatitig siya sa mga mata nito, sa mga matang katulad na katulad ng sa
kanya, mga matang gaya rin ng sa kanyang kapatid at ina. Pakiramdam niya ay tatlong pares ng mga
mata ang bigla ay nakatitig sa kanya. Sa anak, sa ina at kapatid. At lahat ng iyon ay pare-parehong
binigo niya.
He failed to fulfill what he promised to his mother before she died. He failed to protect his sister. And
now, he failed to protect his own daughter. Hindi niya nagawang protektahan ang puso nito mula sa
sakit. Hindi niya rin nagawang tuparin ang ipinangako rito na magiging mabuting ama. Ano nga bang
karapatan niyang tawagin pa itong anak kung hindi naman siya nagpakaama rito?
“Janna… do you hate Daddy?”
Ilang segundong pinagmasdan si Jake ng anak bago ito umiling. “I don’t.” Inilapit nito ang mga kamay
sa kanya at inabot ang kanyang mukha. Mayamaya pa ay nakita niya ang pangingilid ng mga luha nito.
Agad na tumayo ito sa mesa. “I’m sorry, Daddy. I don’t hate you now. But I… I don’t think I like to see
you at the moment. I don’t think I’m ready to talk to you yet. Babalik na po muna ako kina Mommy at
Daddy Tim.” Anito bago nagmamadaling nanakbo palabas ng restaurant.