CHAPTER 15
***
Kalat na kalat ngayon sa iba't-ibang kaharian ang ginawa ng bruhang Reyna sa aking ina at pati na rin sa lahat ng kaniyang mga kasamaan. Isiniwalat namin ni Prinsipe West sa aking amang Hari ang tungkol rito.
Agad na sumang-ayon sa amin si ama at nag-iyakan pa kaming dalawa kanina nang dahil sa nangyari sa aking ina. Nag-sorry din siya sa akin at nagka-palagayan na kami ng loob.
Bilang parusa sa bruhang Reyna ay araw-araw siyang babatuhin ng mga mamamayan ng mga bato sa Kapital ng aming kaharian hanggang sa siya'y mamatay.
Dapat lang sa kaniya iyon!
"Mahal na prinsesa! May balita patungkol sa Spaniards!" Dali-dali akong tumakbo papalapit kay Diana at hinintay ang sasabihin niya.
"Natanggal na ang pakikipag-alyansa ng Midorian Kingdom sa mga Spaniards dahil napatunayan na sila ang dahilan kung bakit may namamatay na mga inosente sa ating bansa. At dahil doon, hindi pumayag ang mga Spaniards at tumakas sila. Maghahasik sila ng digmaan sa Norte!" Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?!" Gulat kong saad at binasa ang hawak na papel ni Diana.
Nang makumpirma ko na ito'y totoo ay nagpabalik-balik ako ng lakad sa aking kwarto.
"Sino-sino ang mga lalaban na ka-alyansa natin?" Medyo natatakot kong saad.
"Ayon sa narinig ko sa iyong ama ay kasama ang mahal na Prinsipe ng Bridgette Silvers at pati na rin sa kaharian ng Azana at ang lalaban ay si Facio. Huwag kang mag-alala, Princess! Marami pang mga Prinsipe sa iba't-ibang kaharian ang lalaban sa mga Spaniards. Maraming hukbo ang iyong ama kaya't palagay ko'y mananalo tayo sa laban na ito!" Pagpapakalma sa akin ni Diana.
"Kailangan kong makausap si Prinsipe West. Dalhan mo ako ng pluma at papel. Magsusulat ako ng liham para sa kaniya." Ani ko at hindi pa rin natatanggal ang kaba sa aking dibdib.
Alam kong napakahusay at magaling ang Prinsipe sa pakikipag-digma dahil marami na siyang na-ipanalo na digmaan. Tanyag siya sa buong kaharian nila. Pero hindi ko pa rin maiwasan na mangamba.
Nang madala na ni Diana ang mga pangangailangan ko ay agad akong nagsulat ng liham para sa Prinsipe.
My Prince,
Maaari ba kitang makausap ng personal patungkol sa nalalapit niyong digmaan ng mga Spaniards? Kung gusto mo ay pumunta ka sa aming kaharian at bukas ang pintuan ko para sa'yo. Mag-iingat ka palagi mahal kong Prinsipe. Hindi kaya ng aking puso kung may mangyaring masama sa iyo.
Your Luna.
Agad kong ipinadala kay Diana ang liham ko para sa Prinsipe. Umaasa akong hindi siya busy ngayon para makapag-usap kaming dalawa. Halos isang oras na ang nakalipas ngunit wala pa ring liham na ipinapadala sa akin ang Prinsipe. Labis na akong nalulungkot ngayon. Mayamaya lamang ay nakarinig ako ng malakas na pagkabog sa bintana ko kaya't ini-awang ko ang malaking kurtina na tumatakip dito. At doon ko nakita ang isang puting ibon.
May naka-ipit na sobre sa kaniyang bibig kaya't dali-dali ko iyong kinuha. Hinawakan ko pa sandali ang magandang puting ibon ng Prinsipe bago ito tuluyang lumipad papalayo.
Napangiti na lang ako.
Agad kong binuksan ang liham ng Prinsipe.
My Beautiful Luna,
I'm sorry, I can't come. The General of the army is so strict. Fvck him! I am just about to escape from that old man so I can see you, but they caught me. We are heading to the North right now, where the war will start. I promise to you that I will come back, after 3 months. Take care also of yourself, my Luna. Don't worry about me. We will win the war.
Laham atik.
Your Prince.
Labis ang pag-aalala ko nang mabasa ang liham ng Prinsipe. Pero napangiti na rin ako nang dahil sa isinulat niya sa liham.noveldrama
"Mahal din kita, aking Prinsipe." Masuyo kong bulong sa hangin habang nalulungkot sa isiping hindi ko man lang masabi-sabi sa kaniya ng personal ang aking nararamdaman.
***
Note: Laham atik - Mahal kita. [