ONE WONDERFUL NIGHT

CHAPTER 16



"Can we talk about us, Farrah?", iyan ang sinabi ni Mr. Lewis sa kanya.This content is © NôvelDrama.Org.

Ang kaninang nakapikit niyang mga mata ay ngayo'y naguguluhang napatitig sa lalaking isang dangkal lang ang layo sa kaniya.

"A-ano pong pag uusapan natin, s-sir?", nauutal na sabi niya.

"Let's have a seat first."

Kanina pa nanlalambot ang mga tuhod niya kaya nagpapasalamat siya at naisipan nitong umupo muna sila.

Iginiya siya ni Mr. Lewis sa isang upuan bago ito umupo sa katapat niya. Malaki ang kumpyansa niyang hindi tungkol sa pagtawa niya kanina ang pag-uusapan nila. Napayuko nalang siya at nag nag-aalinlangan tignan ito dahil parang alam na niya ang gusto nitong pag-usapan nila.

Narining niyang tumikhim ito bago nagsalita, "Is it fine if pag-usapan natin iyong nangyari sa atin, Farrah?", iyan ang tanong nito sa kanya na lalo lang nagpakalabog sa puso niya.

Sabi na nga ba! Gusto nitong pag-usapan ang nangyari sa kanila? Pero bakit pa? Hindi ba pwedeng kamilutan nalang nila iyon? O baka naman gusto lang nitong sabihin sa kanya na isang pagkakamali iyon na hindi dapat nangyari, at wala siyang dapat pagsabihan tungkol do'n? Lalo at nandito na ang girlfriend nito diba?

Ay, oo, tama nga! Baka nga! Pero sino ba ang maysabi na ipagkakalat niya iyon ha? Wala naman ah! At wala siyang balak na ipagkalat sa ibang tao na ito ang nakuha ng pagkababae niya!

Nagpakawala si Nicolah ng malalim na buntong-hininga, nasasaktan siya at may halong galit na nararamdaman dahil sa naisip niya, "Kung natatakot ka po sir na ipagkakalat ko yong nangyari sa atin at baka malaman pa ng girlfriend nyo, wag po kayong mag-alala. Wala na pong ibang makakaalam no'n bukod sa ating dalawa. Pangako po iyan.", dire-direstong wika niya dito.

Kumunot ang noo ni Mr. Lewis at naguguluhang tumingin sa kanya.

"Wait. What are you talking about? And what did you say? "girlfriend ko"?", ani nito na may diin ang pagkakabigkas sa huling dalawang salita nito.

"Oo po, iyong magandang babae na kalalabas lang po diba? Wag ka pong mag-alala, wala naman po akong sinabi sa kanya ng nagkasalubong kami kanina.", malamig na wika niya dito kahit kabaliktaran no'n ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit parang nasasaktan siya e gayong wala naman siyang karapatan. Ano bang dinadrama niya? Nagseselos ba siya? Nagagalit at naghihinayang ba siya dahil may nobya na pala ito?

NO!!! You have to pull yourself together, Nicolah!

"As far as I remember, I clearly told you that night that I don't have a wife nor a fcking girlfriend, didn't I?", tumaas ang isang kilay nito ng tinanong iyon sa kanya.

Naguguluhan niya itong tinignan at pilit inaalala ang gabing sinasabi nito.

'May asawa ka ba?' iyan yong tanong niya dito at sumagot naman ito ng wala. At oo, naaalala na niya na sinabi din nito na wala itong girlfriend.

Pero... Sino iyong babae na galing dito kanina? Hindi ba niya iyon girlfriend?

"Eh, sino 'yong magandang babae na lumabas dito kanina?", hindi napigilang sambit niya sa binata at tinaasan din ito ng kilay.

"Oh, that?! That was Freya. She is a family friend. Her mom, and my mom are bestfriends.", he scoffed as if it was just nothing.

Eh bakit siya pumunta dito kung ganon? Para bisitahin siya? Bakit naman siya bisitahin nito?

Eh, ano bang pake mo ha, Nicolah?!

"A ano po ba ang pag-uusapan natin sir?", yan nalang ang nasabi niya dahil napahiya na naman siya at ayaw na niyang mang-usisa pa.

Kinakabahan na siya sa mga susunod na sasabihin nito ngunit, hindi niya iyon pinahalata kay Mr. Lewis. Tama na din siguro na mapag-usapan nila ito.

“Alam kung naiilang ka sa akin and that is because of what happened between us right?", seryosong tanong nito sa kanya.

Nakagat niya ang ibabang labi niya dahil tama nga ang hinala niya. But there's no use in denying it. Alam niyang obvious na obvious din naman siya kaya imposibleng hindi nito mapansin iyon. Kahit pa nga sinusubukan niya palagi na maging kaswal na pakitungohan ito ay hindi pa din nawawala ang pagkailang niya dito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Tumango lang siya bilang sagot nito habang dinidiin ang mga labi niya.

Her heart can't stop beating so loud while anticipating what he is going to say next.

"I don't want that Farrah. Hindi ko gusto na naiilang ka sakin. Hindi ko gusto na lumalayo ka pag nandiyan ako. Hindi ko gusto na nakikita kang malapit sa iba while you are fckng staying away from me and ignoring me! I know this is so gay but I don't fcking care!", he cupped her face and let her see him straight in the eyes, not afraid in letting her show his vulnerable side, "I want to break this wall between us, Farrah. That is why I will be honest with you. I AM HURT everytime you do that.", mataman na sabi nito sa kanya.

Parang biglang nasugatan ang puso niya nang marinig ang pag-amin nito. At parang may humaplos sa puso niya ng makita ang sakit na nadarama nito sa likod ng magaganda nitong mga mata.

Hindi niya ine-expect na may nararamdaman na palang ganito si Mr. Lewis dahil sa kanya.

And here, she thought he was avoiding her that is why she avoided him too. She thought he was just putting up with her since he doesn't have a choice because she was his employee. But she guess she was wrong after all. Mabuti nalang pala talaga at inamin nito sa kanya. Dahil kung hindi ay hindi niya namamalayan na may nasasaktan na din pala siya.

Ngunit ang akala niyang tapos na ito sa sasabihin nito ay nagkakamali siya. Seryoso pa din itong nakatingin sa mga mata niya habang hawak-hawak ng dalawang kamay nito ang mga pisngi niya.

"I know that this is so sudden. Honestly, me myself can't also believe it. But, this is how I feel. Eventhough how many times I tried to ignore and deny it, hindi talaga siya nawawala. That is why I have to tell you this. I like you, Farrah.", madamdamin na pag-amin nito sa kanya. "Kaya ako nasasaktan nang gano'n dahil gusto kita."

Ang kani-kanina la'y parang may punyal na nakatusok sa puso niya ngayon ay nawala na. Napalitan ito ng isang tambol na pag kay lakas-lakas na hinahampas sa dibdib niya.

Nanlalaki ang kanyang mga mata at napaawang ang mga labi niya. Parang nakuha ng pusa ang dila niya kaya hindi siya makapagsalita.

A-anong sabi niya? Gusto niya ako?!

Hindi siya makapaniwala sa sobra-sobrang pag-amin na ginawa nito ngunit parang isang plakang paulit-ulit na naririnig ng pandinig niya ang linyang ito. "I like you, Farrah. Gusto kita."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Para isang orasan na kinuhaan ng baterya ang katawan niya dahil hindi na ito nakagalaw pa. Ngunit habang na estatwa ang katawan niya, ang puso niya naman ay walang tigil sa lakas ng kalabog nito dahil sa hindi niya maipaliwanag na nadarama.

"I know you are shocked. And I'm not gonna pressure you to answer me. As I said, I just want to put an end to that awkwardness between us, Farrah. I want us to start anew. Is that fine with you?", kapagkuwa'y sabi nito sa kanya ng makita ay reaskyon niya.

Hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya ngunit isa lang ang alam niya. Gusto niyang din na mawala ang pagkailang nila sa isa't-isa. Gusto niyang magsimula uli sa una, katulad ng gusto nitong mangyari sa kanila. Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga. Kinakalma ang sarili niya. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa mga labi niya at tumango siya bilang sagot dito. "Sige, magsimula tayo sa umpisa."

Isang malaki at matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito na ni minsan ay hindi niya pa nakita. Hindi niya alam na may mas lalakas pa pala sa pagtambol ng puso niya ng makita ang napakatamis na ngiti ni Mr. Lewis ngayon. "Yeeees!!! Wooahhh!!!", sumisigaw na ito at napapatalon kaya napaigtad siya.

Napanguso siya para pigilan ang wag matawa. Ngunit natigilan siya ng walang sabi-sabi ay bigla nalang itong yumakap sa kanya at hinalikan ang mga labi niya. "Thank you so much, Farrah!" *Tsuup*

Napipilan siya dahil sa pagkabigla. Nanlalaki naman ang mga mata nito ng natauhan at kagat-labing humingi ng paumanhin sa kanya. "Sh*t! I'm sorry, Farrah! I just got carried away. Fck, I'm sorry.", napasabunot ito sa sariling buhok. Napailing siya at kinagat niya ang loob ng pisngi niya para pigilan ang ngiti niya.

Ang cute pala ni sir! Hehehe.

"Okay lang, sir.", malumanay na sabi niya dito.

"Thank you, Farrah. You don't know how much this means to me. You make me so happy!"

To be continued...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.