Chapter 7
Chapter 7
NAMASA ang mga mata ni Yalena. Umangat ang kanyang mga kamay pahaplos sa mga pisngi ni
Ansel. Pinagmasdan niya ang mukha nito. This man could be hers for the taking. Dahan-dahang ipinikit
niya ang mga mata nito. Iyon ang isa pang madalas niyang gawin. Tuwing kasama niya ang binata,
parati niyang isinasara ang mga mata nito. Dahil napakaraming masasakit na mga alaala ang
pumapasok sa kanyang isipan tuwing sinasalubong niya ang mga mata nito dahil ganoong-ganoon din
ang mga mata noon ni Benedict.
Punong-puno rin iyon ng sinseridad noon pero sa dulo ay nagawa pa ring manlinlang ng mga matang
iyon. Tuwing tinitingnan ni Yalena ang binata, ang kanyang mga magulang na ni hindi niya makilala
noong nasa kabaong pa ang mga ito ang siyang mga naaalala niya. Her parents died a tragic death.
Walang kalaban-laban ang mga ito pero basta na lang kinuha sa kanila ng kakambal niya.
Sa isang iglap, nawalan siya ng sandalan.
Ang kayamanan, balewala iyon sa kanya. Pero ang dalawang buhay na nalagas sa kanya ang pilit na
ipinaglalaban niya, ang pilit na hinahanapan niya ng katarungan. Iyon ang hindi niya dapat na
balewalain.
“I do love you, Attorney.”
And I do, too, agad na sagot ng puso ni Yalena. Napasinghap siya sa pagbuhos ng realization na iyon.
Lumuwag ang pagkakatakip niya sa mga mata ng binata hanggang sa tuluyang dumulas ang kanyang
palad pababa.
Oh, God. Napahawak siya sa kanyang bibig kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha.
Nanlalambot ang mga tuhod na inalis niya ang kamay ng binata sa kanyang mga balikat. Sumalampak
siya sa konkretong kalsada. Tuluyan nang lumubog ang araw nang mga sandaling iyon. May mangilan-
ngilang mga nagdaraan pero binalewala niya iyon.
Nagtanim si Yalena ng sama ng loob kina Maggy at Clarice nang malaman niya ang nararamdaman ng
mga ito para sa magkapatid na McClennan. Dahil nangangahulugan iyon ng pagkatalo nila sa kanilang
misyon. Ni hindi niya masikmura ang katotohanan na father-in-law na ngayon nina Maggy at Clarice
ang lalaking dahilan ng mga trahedya sa buhay nila noon. Pero ano itong ginagawa niya ngayon? Bakit
parang napakadali lang para sa mga anak ng kanilang kaaway na pasukuin sila? Sila itong kung
tutuusin ay may mga ipinaglalaban. It was so unfair. They had been hurting their whole lives!
Matapos ng mga nangyari sa kanyang mga magulang, ang buong akala niya ay iyon na ang
pinakamatinding trahedyang dumating sa kanyang buhay. Pero nagkamali siya. Because the day that
she realized that she had fallen in love with Ansel McClennan, with the enemy, was the most tragic day
of her life.
“Yalena…”
Napayuko siya nang marinig ang nag-aalalang boses na iyon. Naramdaman niya ang paglapit sa
kanya ni Ansel. Lumuhod ito sa kanyang harap at maingat na iniangat ang kanyang baba dahilan para
magsalubong ang kanilang mga mata.
“Why? Why are you crying? Ano’ng nangyari?”
Muling pumatak ang mga luha ni Yalena sa pagsuyong narinig sa boses ni Ansel. Looking at his eyes
made her remember once more the good memories of her childhood together with the bad. Muli ay
nakita niya ang kanyang batang sarili na itinatago pa sa ilalim ng kanyang unan ang litrato ni Ansel sa
pag-aakalang totoo ang kasabihan ng matatanda na mapapanaginipan niya ang sinumang nasa
larawan sa oras na gawin niya iyon.
Napahagulgol siya. God… she had been in love with Ansel from the very moment that she saw his
picture. Iyon siguro ang dahilan ng kakaibang reaksiyon ng puso niya para sa binata mula pa noon
hanggang sa mga oras na iyon. She had always loved him… long before she knew the meaning of
revenge.
“What’s wrong?” Nagmadali si Ansel sa pagpunas ng kanyang mga luha.
“Nothing,” basag ang boses na sagot ni Yalena. “It’s just that…” Napahawak siya sa mga binting
nanatili pa ring walang lakas dala ng mga natuklasan niya. “My knees are hurting so badly,”
pagdadahilan niya na lang.
“What?” Natatarantang hinawakan ng binata ang kanyang mga tuhod. “Can you stand for a while?”
Nang tumango siya ay mabilis na tumalikod sa kanya si Ansel. Sumampa siya sa likod nito nang
maunawaan ang gusto nitong iparating. Umalalay ang isang braso ng binata sa kanyang mga hita
habang hawak naman nito sa kabilang kamay ang kanilang mga pinamili.
Agad na isinubsob ni Yalena ang mukha sa likod ng binata nang magsimula na itong maglakad.
“Bakit hindi mo naman sinabi kaagad na may iniinda ka pala? You seemed so fine earlier. Gusto mo
bang ipatingin natin ang mga tuhod mo sa doktor?”
“Hindi na kailangan.” Sana nga ang mga tuhod ko lang ang problema. “Magpapahinga na lang ako
kaagad pagkarating sa bahay.” Humigpit ang pagkakayakap niya sa leeg ng binata nang marinig ang
pinaghalong pagsuyo at pag-aalala sa boses nito.
Nang makarating na sila sa kanyang bahay ay dumeretso si Ansel sa kanyang kwarto at sa kama na
siya maingat na ibinaba. Kinumutan siya nito hanggang sa kanyang leeg. Naupo ito sa dulo ng kama at
iinspeksiyunin sana ang kanyang mga tuhod nang iiwas niya iyon. Mabilis na nag-iba siya ng higa,
patalikod sa binata. “Please just leave. I want to be alone.”
Narinig ni Yalena ang paghugot ng binata nang ilang malalalim na hininga. Mayamaya ay hinalikan siya Upstodatee from Novel(D)ra/m/a.O(r)g
nito sa kanyang noo. “Just in case you need me, I’m just at the kitchen. Magluluto na muna ako.”
Tumango lang siya. Nang marinig ang mga papalayong yabag ng binata at ang mahinang pagsara ng
pinto ng kanyang kwarto ay muli siyang napaluha.
“Bakit mo ginawa `yon?” parang nababaliw na pagkausap niya sa sarili. Tinapik-tapik niya ang kanyang
dibdib. “Ang tanga-tanga mo. Hindi ka dapat nakialam. You shouldn’t have fallen for him! What will
happen to our plans now?” Pumiyok ang kanyang boses. “Dapat galit ka lang, `di ba?”
“EVERYONE’S wondering where the shark has been hiding. Wala ka sa Christmas party ng kompanya
natin pati na rin sa parties na in-organize ng mga investors natin. You knew how allergic I am to such
events, brother. But I had to endure them all to represent you,” nakakunot ang noong bungad ni Austin
kay Ansel nang mapagbuksan niya ito ng pinto ng gate ng bahay ni Yalena.
“But I obviously disappointed them. You’re the life of every party. At hindi kita matutumbasan sa bagay
na `yon.” Napailing si Austin. “Kaya pala katok ako nang katok kanina sa bahay mo, nandito ka pala.
`Buti na lang, nagbaka-sakali akong pumunta rito.”
Hindi sumagot si Ansel. Niluwangan niya na lang ang pagkakabukas ng gate at mayamaya ay
dumeretso sa bahay ni Yalena. Iniwan niyang bukas ang pinto para makasunod ang kapatid. Pumasok
siya sa sala at naupo sa sa couch roon.
Napapagod na ipinikit ni Ansel ang mga mata. Apat na araw nang nawawala si Yalena. Ni hindi niya
alam kung saan ito hahanapin dahil hindi niya ito ma-contact. Naka-off ang cell phone nito. Nang
puntahan niya si Maggy noong mismong araw na hindi niya mahagilap ang kakambal nito ay wala daw
itong alam. Nabigla pa ang kanyang hipag nang sabihin niyang nawawala si Yalena. Hindi niya alam
kung ano ang nangyayari. Ang alam niya lang ay may nagbago na sa dalaga nang gabing bumalik sila
mula sa supermarket.
Hindi na siya hinarap ni Yalena buong gabi matapos niyang ihatid sa kwarto nito. Ginusto niya itong
bigyan ng space kaya labag man sa kalooban niya ay pansamantala muna siyang bumalik sa bahay
niya nang gabing iyon. Pero kinabukasan ng umaga ay wala nang nagbukas pa ng pinto sa kanya
nang kumatok siya roon para makapagluto na siya. At dahil magpa-Pasko na at puro ang pagpunta na
lang sa mga events ang dapat niyang gawin ay hindi na siya umalis pa at ipinaubaya na sa mga
kapatid ang mga ganoong bagay.
May duplicate key si Ansel ng bahay ni Yalena kaya doon na siya nanatili. Doon na rin siya natutulog.
Doon siya halos araw-araw na naglilinis, nagluluto, at naghihintay para sa pagbabalik ng dalaga kahit
pa alam niyang may posibilidad na matagalan pa ito dahil wala sa closet ang karamihan sa mga damit
nito.
Damn. Dinaig niya pa ang ulirang househusband sa paghihintay ng pagdating ni Yalena.
“I was right to be afraid to enter relationships. Because it was really complicated,” sinabi ni Ansel sa
kapatid nang maupo ito sa silya sa harap niya. “When my dreams started to change, I found that
scary… and deadly. Naging mababaw ang mga bagay na hinangad ko nang makilala ko si Yalena.
Imagine, I only wanted to cook something that will make her smile. Gano’n ako katanga.” Mapait na
natawa siya. “When I started to dream of all the things and ways I could do to make a woman happy, I
found that… even scarier. Ito ang mahirap, eh.”
Napatitig si Ansel sa marmol na sahig na napakakintab nang mga sandaling iyon. He was the great
Ansel McClennan. Siya itong pinagsisilbihan. Kaya hindi niya akalaing darating ang panahon na
mapapasuko siya ng isang babae nang walang kahirap-hirap hanggang sa dumating sa puntong
lilinisin niya ang buong bahay nito, pakikintabin ang sahig, papawiin ang lahat ng alikabok sa bahay at
didiligan ang mga halamang pananim nito.
“Magmamahal ka, ibibigay mo ang lahat `tapos iiwan ka… `Tapos masisiraan ka kakaisip kung saan ka
pa ba nagkulang. At alam mo ba kung ano’ng mas mahirap do’n? Iniwan ka na nga nang walang
paalam, nang walang dahilan, para ka pa ring gago na maghihintay sa pagbabalik niya na ni hindi mo
alam kung kailan. Bullshit!” Napahawak si Ansel sa kanyang noo. Naalala niya ang nasaksihang
pagluha ni Yalena noong gabi bago ito nawala sa kanya. Hanggang ngayon ay para pa rin dinudurog
ang puso niya dahil doon. Saan siya nagkamali? Dahil ba sa mga ipinagtapat niya? Natakot ba ito kaya
umalis nang ganoon na lang? Ang dami niyang tanong na hindi niya alam kung masasagot pa.
“Iniwan ako ni Yalena, bro.”
“Alam ko,” mahinang sagot ng kapatid. “Iniwan din ako ni Maggy.”
Natigilan si Ansel. Agad na napatingin siya kay Austin.
“She left two days ago. Hindi ko alam kung kailan siya babalik… Kung bago ba mag-Pasko o bago
mag-Bagong Taon.” Nagkibit-balikat si Austin. “I just don’t know. Hindi niya rin sinabi kung saan siya
pupunta. She just told me that she will be back and I said yes because like a fool, I believed her. Kaya
sasabayan kita sa paghihintay, bro.”
“At least, your wife had the decency to say good-bye,” naibulong ni Ansel sa kawalan ng ibang maisip
na sabihin. Ang pagkakaalam niya ay matalino naman ang kanilang lahi, ganoon din sila ni Austin.
Pero ano itong ginagawa nila nang mga sandaling iyon?
“Babalik si Maggy,” sinabi ni Austin na parang mas kinukumbinsi ang sarili kaysa kay Ansel. “Baka
hinahanap niya lang si Yalena. Sinabihan naman na kita noon, Kuya. What the twins need more than
anything else in this world is love and understanding. They always need to be reminded that they can
still love and be loved after all the things they’ve been through.”
“Ano ba kasing meron?” nalilito nang sinabi ni Ansel. “Ano’ng nangyayari? Wala namang sinasabi si
Yalena. Ano ba’ng alam mo na hindi ko alam?”
“Nothing. It’s just that, when you fall in love with a de Lara, you got to hold her close. Take care of her
so much that she’d be touched. Court her every single day. Overwhelm her with your love.” Inabot ni
Austin ang bote ng alak sa center table at deretsong uminom na mula roon habang pinagmamasdan
ang pagliliwanag ng malaking Christmas tree na ikinabit ni Ansel noong nagdaang araw.
“If she sees that you’ll never let her go, then maybe she wouldn’t try to leave at all. Or if she does, then
maybe she can learn to find her way back to you.” Matipid na ngumiti si Austin. “Dahil hindi sila mga
ordinaryong babae lang. Mga de Lara sila. Maniwala ka sa ‘kin, Kuya Ansel. It’s hard to keep a de
Lara. Wala akong maibibigay na rason kung bakit. You, go, figure things out on your own.”
Magsasalita pa sana si Austin nang biglang mag-ring ang cell phone nito. Agad na sinagot nito iyon.
Nagsalubong ang mga kilay nito. “All right, Kuya Al. Magdala ka ng mas maraming beer. Hihintayin ka
namin.”
Nagsalubong din ang mga kilay niya. “Si Alano ba `yon?”
Inubos ni Austin ang laman ng bote ng alak bago ito sumagot. “Yeah. `Looks like the three of us would
celebrate Christmas together. Umalis din daw si Clarice at may importanteng pinuntahan.”
“Great. Just great.” Alam ni Ansel na matalik na kaibigan ng kambal si Clarice. Nabanggit iyon sa
kanya ng huli noong nagkaroon ng amnesia si Maggy at si Clarice ang isa sa mga nag-asikaso rito.
Napahugot si Ansel ng marahas na hininga. “I don’t get it, you know. How can just one person become
the source of our pain and happiness?”